2.09.2005

hay

andami talagang ass hole sa mundo, hehehe. pero para sa post na ito, sisikapin kong iwasang magsulat tungkol sa mga yan. sayang lang ng enerhiya hehe.

ilang araw na rin akong umuuwing patang-pata. medyo stressful ang linggong ito.

kahapon nilagnat ako. nung isang araw naman nagsimulang parang sipunin. pero kanina wala na namang nararamdaman. konting pahinga lang siguro.

may maganda rin namang nangyari sa linggong ito dahil sa wakas ay nagkaroon na ng byahe ng bus na hihinto mismo sa labas lang ng opisina. maliit na ginhawa pero malaking pagpapasalamat sa kanila sa kanilang naisip. :)

sana makasulat ulit ako ng tula. o kuwento.