10.06.2004

nagtatanda

nagtatanda

may mga hindi ko na natatandaang kibot ng karanasan na naroroon lang sa ilalim ng kumot ng memorya.

magbe-beinte siete na ako sa nobyembre. kasibulan daw. nagtatanong ako, kung iyon ang edad ko, bakit parang hindi naman ako nagbabago?

kung itatanong ko iyan sa mga nakakakilala sa akin, malamang batukan nila ako isa-isa. pero simple lamang naman talaga ang problema ko: ano ang tanda ng pagtanda?

ito ang sagot ko: kapag marami nang mga kanta ng iyong kabataan ang hindi na kilala ng kabataan ngayon, o kaya'y kilala na lamang nila sa anyong revival.

case in point: hands to heaven. grade 4 o grade 6 ako nun. lintek. nung ma-revive ni christian bautista, halos lahat ng mga estudyante kong kanta nang kanta nun ay nilelektyuran ko kung paanong napakapangit ng version ni christian bautista. ang lagi nilang tanong, "bakit sir, hindi ba siya ang orig nun?"

pag narinig ko ang hirit na yan, lalo pang hahaba ang lektyur. lalo pa akong magmamarunong. lalo pa akong hahalungkat sa memorya ng kung ano-anong trivia at justifications para lamang mapatulala ang bata sa lawak ng aking nalalaman, at ako, lalong mapapatigagal sa layo ng mga panahong dinudukwang ko. ang ngayon, at ang noon, noong grade 4 o 6 ako.

hindi na rin kilala ng first year students ko ngayon ang ultraelectromagneticpop. alam nila ang ligaya at ang pare ko pero hindi nila alam ang ultraelectromegneticpop.

si bamboo, hindi pa rivermaya nun.

ang kapal ko talaga. nung high school ako, sabi ko nun na ayaw kong tatandang katulad ibang matatandang lagi na lang may dialogue na "nung panahon namin...."

pero nung isang linggo lang, nag-lecture ako sa fourth year students ko kung paanong naaawa ako, kako, sa kanila dahil sa kadahupan sa kultura ng kanilang pop culture. ang mga kanta kasi ngayon, pulos novelty ekek. mga kanta tungkol sa bulaklak na mapupula at malalaki at numerong otso otso at spaghetting sinasayaw at kikay. sabi ko, kawawa naman kayo. "nung hayskul kami..." hehehe

oh well, what the heck! nung hayskul kami, sinabi ng eraserheads, "gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo" upang ipakita ang kanyang pagmamahal. kung sino man dito ang nakaranas ng paggawa ng thesis ay makapagpapatotoo sa tindi ng pagmamahal ng taong iyan.

yano ang nagpasikat ng banal na aso at santong kabayo, the youth ang multong bakla (pasintabi sa mga gay), your love is like a river that flows down through my veins ng alamid, etc. etc.

hindi ko rin napigil. nagsermon pa ako. naknangtokwa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home