5.29.2005

travelogue number 1: bayombong chronicles

Ang dalton pass pala ay hindi maikli. Ang dalton pass pala ay parang kennon road din. Ang dalton pass pala hindi para sa mahihina ang sikmura.

sumakit ang leeg ko kasi alas dos na nun ng madaling araw kaya siyempre, antok na antok na ako. at alam nyo na siguro ang itsura ng mamang inaantok sa bus! para akong laruan na pinagsamantalahan sa gewang na dalton pass.

pero maganda ang tinuluyan naming hotel. may bath tub. pero may kasama ako sa hotel kasi ginago kami nung nagpareserve. sabi namin 2 rooms for one, ginawang one room for 2!

maliit lang ang bayombong. walang mall, walang fastfood, may provincial capitol, may isang atm ng landbank (para sa expressnet) na offline pa, at may dalawang bundok sa magkabilang panig ng daan.

umuulan sa bayombong pag hapon. hindi ko alam kung bakit.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home