you're still you
wala lang narinig ko lang ulit yung josh groban version.naalala ko tuloy yung movie na Malena. OST kasi yun sa movie. monica bellucci is such a vixen.
naalala ko tuloy yung isang taga village namin na siguro twenties na nung mga 13 o 14 ako. ate siya ng medyo kala-kalaro ko na batang riles. may vulcanizing shop sila. tapos yung ate, hindi ko na matiyak pero parang nagtatrabaho sa SM nun bilang saleslady.
ako naman iskolar. payatot. anglaki ng bag. mukha talagang kolokoy.
pag nakakatabi ko yung ate sa pedicab, lagi akong kinakabahan. ang ganda kasi niya. gandang-ganda ako sa kanya. oo na sige na manyak na kung manyak.
hanggang sa lumaki ako. at tumanda din siya. at magkaanak siya. at magkaanak ako. at hindi ko na siya nakita. siguro, ngayong naiisip ko, mga 10 o 15 years ko na siyang hindi na nakikita, kahit na andito pa rin naman yung pamilya nila. siguro nakapag asawa ng taga ibang lugar. siguro naman masaya siya ngayon.
siguro din lahat ng lalaki may Malena-type na babaeng minahal. yung tipong 13 to 15 yung boy tapos 5 to 10 years older yung girl at naghahalong kadalisayan at kalibugan na ang nararamdaman kasi nga pumapasok na sa pubescent stage. ito yung stage na kakatapos lang nung mga puppy love-puppy love na kakornihan at kabaduyan. ito yung stage na walanghiyaan na ang kasunod.
tama, siguro nga ganoon kaya damang-dama ko yung huling eksena sa Malena nung nagbibisikleta na paalis yung batang lalaki palayo kay Malena, na una't huling beses niyang natulungan matapos matapon ang mga dala nitong prutas. kasi para siyang may tinatakbuhan, may nilalayuan pero at the same time inaaasam din niya, patuloy niyang nililingon kahit mamintig pa ang mga binti sa tigas ng pagpadyak.
kasi kagaya ng maraming bagay sa buhay, maraming mabubuti at magagandang bagay na sa hindi maintindihang dahilan ay hindi talaga mapapasaatin, gaano man natin asamin. may mga bagay na hindi natin makakamit para lamang sa mga kadahilanang kasingwalang kuwenta ng "wala kasi sa panahon" o kaya'y "hindi kasi bagay" o kaya'y "tinatamad kasi ako nun."
parang yung ate ng kalaro ko. dahil sa hiyang itanong, hindi ko man lang nalaman ang kanyang pangalan.
3 Comments:
naalala ko yung maikling kwentong pinabasa mo noon sa fangs... parang dito ata hinango yun ah
oo na, oo na kuya dyep. makamundo ka. we got your point.
hahaha!
wahahaha...pinanuod dn nmin ung Malena nung 1st yr college aq...(wahehehe, feeling q 2loy ang tanda q n..) anyway, naala2q lng, sobrang tawang tawa kmi dun s batang la2ki kc tlgang makamundo xa... ndi q naicp n ngkaganun k rn pla... hahaha... alam b ni mrs yan?!... hahahahahaha (cant stop laughing)
Post a Comment
<< Home