12.07.2004

ang OBng praning

so 'yun, ganun.

nung bago biyakin ang tiyan ni misis, dalawa pa kaming kinakabahan para sa opersyon kasi alam nyo na, kahit ano pa'ng sabihin ng doktor at anesthesiologist, major operation pa rin yun. pag nalinsad nang kaunti ang turok ng anesthesiologist, lantang gulay na si misis. pag nagkamali naman ng tahi si doktor, hindi maitatago ng tato ang alupihan sa kanyang puson. buti kung cosmetic lang ang problema. e paano kung makaiwan ng scalpel o perdible sa loob ng tiyan ni misis? ang galing pa nung isa naming nakausap na kaibigan sa pharmacy. nagkakaso na daw yung ob namin kasi nung isang beses daw e natahi pati puwet nung babae. sa puwerta lumalabas ang dumi. matinding UTI daw ang inabot at siyempre, sakit. wow. ang sayang pampalubag-loob. talaga.

abnormal pa 'tong OB namin. parang laging hilong ewan. parang laging hindi alam na doktor siya.
"Naresetahan na ba kita? ano nga pangalan mo? Kelan nga ba due date mo?"
"Doc, next week na po. sinabi ko na sa inyo last week na next na po ako."
"A ok."

Hayup talaga.

"Doc, nung last kong operasyon, nagkaallergy ako sa ginamit na sinulid."
"A wag kang mag-alala kasi stapler ang ginagamit ko."
Medyo lang naman, hindi kami nakapagsalita agad. "Stapler, doc? A- ano yun?"
"Malalaman mo din."

Hayup. Tama ba namang pagsasalita yan sa medyo praning nang pasyenteng katulad namin? HIndi ba dapat e pakalmahin niya kami by telling us how a fucking stapler was in any way related to my wife's womb?

So ganun. nov 22 dapat ang delivery para kabertdey ko. andun na kami 10 am pa lang at naghihintay. andun na daw si doc pero wala pa yung anesthesiologist kaya hintay muna. nilagyan na ng dextrose si misis. tang ina ang sakit daw maglagay ng nurse, mukhang bagong graduate (later on naconfirm ko nga ng mga bagong graduate ang mga pacute na nurse na yun). bawal na daw kumain si misis. hintay kami, hintay pa. wala kaming kasama sa room. kaya wala lang, tawanan, asaran. pagdating ng 6 ng gabi, cancel na lang daw yung operasyon kasi may meeting na si OB namin. bukas na lang daw. so hindi ko na kabertdey ang baby ko. hayup talaga.

BUTI NA LANG TALAGA MUKHA NGANG MAGALING ANG OB NA YUN!!!

walang impeksiyon ang sugat, kahit na, wow, oo nga, stapler nga ang ginamit. staple wires na pambalat. yun daw ang ginagamit sa cardio cases, pero sabi niya, siya lang daw ang OB na gumagamit ng stapler. lahat daw ng iba sinulid kaya andaming bumubukang tahi.

pero nung huling follow up check up namin sa kanya, nung putulin nya ang mga nakalitaw na staple wires (matutunaw daw yung mga nakalubog sa balat), siningil kmai ng 500. hayup talaga.

2 Comments:

At 6:09 PM, Blogger Bibam Dabam said...

ikasa mo dito pre! sept 27 yung panganay ko. 1 day shy of my birthday

 
At 9:18 PM, Blogger dyeproks said...

bambie??? jabao???

 

Post a Comment

<< Home