11.12.2004

kasalan(an)

maraming ikakasal sa mga darating na buwan sa mga kakilala at kaibigan. ilan na rin ang mga kasalang naganap, at may ilang di ko napuntahan.

yung kasal ni kumare, ang ganda ganda raw niya. hindi ko napuntahan dahil nagsa-lampa na naman ako sa basketbol at tinapakan ng kanang paa ko ang sarili kong kaliwang paa matapos kong tumalon para habulin ang naknangtinapang bola. buwisit. dumarami ang mga kapalpakan ko sa basketbol ngayon. nung isang buwan lang, natuhog ng frame ng salamin ko ang kaliwang pisngi dahil sa katangahang hindi masalo ang rebound. ay hindi, ang mas tanga pala ay ang paglalaro ko nang nakasalamin. tang ina talaga. buti na lang sangtuldok lang yung butas, though butas talaga ang itsura. agos ang dugo. parang hinog na hinog pimple na biglang tiniris.

yung kasal ni kumare ang hindi ko napuntahan.

ang ganda ganda raw niya. sabagay, sabi ko, sa pagkakaalala ko kay kumare, talagang maganda siya pag ngumingiti. ibang klase. singkit kasi, kaya nawawala ang mata. pati mga mata ngumingiti! so iniimagine ko ang itsura niya kapag nakangiti, ngunit ngayon ay nakasuot ng traje de boda. hmmm.... malamang pagkaganda-ganda nga. parang, parang, parang masaya siya talaga.

mahirap kasing umasa.

wala talaga iyan sa haba ng panahon. ilang taon din silang mag-on tapos sa iba rin napakasal si kumare. sa isang taong nakilala niya sa nakalipas lamang na tatlong taon.

naalala ko yung isa ko namang kumpare. matindi yun. may syota ng 7 years tapos binreyk lang. tapos nagsyota naman ng mas bata sa kanya ng 7 years. imagine, tong bagong syota nya e elementary school kid pa lang nung sagutin sya ni syota number 1. asaran nga e, pinalaki ba, habang may ka-on hehehehe. naging mag on sila ng 5 years bago sila nagpakasal nitong nakaraang taon lang. tapos honeymoon baby daw. dyontis agad!

o yung isa ko ring kumare (marami po kasing ninong at ninang ang dalawa kong anak :)). akala namin bading ang syota niya. ginagamit lang siyang cover. tapos bigla na lang buntis pala. joskopo. so ikinasal sila bigla. at ang lalagkit ng kanilang tingin sa photos nila. pero nung congratulatory handshakes na, hindi ko mapigilang mapansin ang 1) malagkit na tingin ni mister sa aking pundiya, at 2) ang malagkit na pagpisil ng kamay niya sa kamay ko. Ilusyon lang yon brad!!!! yan ang paulit ulit kong sinabi sa aking sarili. wala namang masamang papaniwalain ko ang sarili ko dun di ba? lalo na't mukhang masaya naman si kumare.

next month, isa pang kumare ang ikakasal. sa long time bf nya rin. medyo makulay na rin ang kuwento ng pag ibig nila pero medyo expected na naming sila ang magkakatuluyan. mula LB hanggang davao hanggang singapore hanggang ngayon, balik manila. talagang history together.

next year, tatlo ang ikakasal. isang kumpare, at dalawang kakilala. ewan lang kung matutuloy ang mga plano nila.

paano ba naman, si kumpare number 1, tangina biglang niyaya ang isa kong ex-kaklaseng matagal na ata niyang pinagpapantasyahan para magbeach. HANU DAW POOOO???!!! hokey lang, mga binata't dalaga pa naman kayo e. bahala kayo dyan. malalaki na kayo. di nyo na kailangan si papadyep para sa mga usaping ganyan.

si kakilala number 1 naman, na isang girl, medyo matindi ang pinagdaanan. daig pa ata ang french short story na nabasa ko ("Ang pulang unano") sa tindi ng dinaanang relationships/misrelationships. wish ko sana nga ito na. pero medyo nangangamba ako for her. para kasing she's approaching this as some sort of healing. ewan lang, feeling ko pag broken ka at may self-destructive tendencies, ang healing dapat manggaling sa loob ng tao, hindi sa labas. kung lover ang magiging healer, dapat maging sobrang loving at patient niya, though, i think, the man does come across as precisely those two things. kumbaga, kung meron mang tao sa daigdig na kayang gawin yun for her and to her, sya na nga yun, yung pakakasalan nya. so i say, good luck sa inyong dalawa. :)

si kakilala number 2, hula lang. vague pa. hinihintay ko pa. sabi ko, kelan ka papakasal, pag me kasalanan na? pag buntis ka na? sagot nya, pag nabuntis ako, hindi pa rin ako papakasal. ayus din hehehe. she's one smart girl. :)

1 Comments:

At 9:14 PM, Anonymous Anonymous said...

hayuz! thanks for the link. had to delete my blogger account after some philo teacher found his name alongside a slew of cuss words...huwahaha.Nga lang, wala akong alam sa codes ng LJ kaya olats.

 

Post a Comment

<< Home