11.17.2004

kumusta?

paano kung ayaw mo na?

hungkag ang mag-isip kapag ang paligid ay para nang isang salaulang mangingibig, saka, samantala naman kasi'y kailangan mo ring isipin kung ikaw ba'y hindi rin nagbago.

"Burnout," Sugarfree.
wag mo akong kulitin, wag mo akong tanungin, dhail katulad mo, ako rin ay nagbago

natatandaan mo ba nuong una tayong magkita? isa kang tala. isa kang alaala. isa kang damdaming katulad nang minsang madiskubre kong marunong pala akong maggitara. magaling pala akong maggitara. kaya ko pala magpaiyak ng gitara. kaya ko palang umiyak sa gitara nang hindi lumuluha. ang luha ko ay parang kanta. ang kanta ko ay parang tawa.

at umiikot ang paligid kahit walang gumagalaw. at ikaw ay nabibighani kahit hindi ko alam ang dahilan.

"Torpedo," Eraserheads
mababaw lang talaga ang luha ko

ang alaala ay isang puta na katalik ko gabi-gabi. ang alaala ay isang puta na katalik ko gabi-gabi. ang alaala ay isang puta na katalik ko gabi-gabi.

"Senti," Yano
mahal ka ba niya talaga? mahal ka ba niya talaga?

"ako, mahal kita. mahal na mahal, mahal na mahal, mahal na mahal, mahal na mahal..."

paano kung ayaw mo na?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home