6.04.2005

ang senior at ang bopol

may isang lola na sumakay sa bus na may kasamang lalaking mga 18 anyos na. naghanap sila ng upuan ngunit napunta pa rin sa dulo ng bus. unang umupo ang lola na parang hirap na hirap bumalanse. pinagpag pa niya ang kanyang damit kahit wala namang dumi. sumunod na umupo ang lalaki. hindi nagbabago ang anyo ng lalaki. hindi rin tumitinag ang kanyang paningin. para siyang tulog. para siyang tulog na naglakad palabas ng kanyang kuwarto at niyaya ng matandang babae para sumakay sa bus.

ngunit dahil para siyang natutulog, naiinis tuloy sa kanya ang matandang babae.

dumating ang konduktor. "saan po kayo?"

"dalawang buendia," sagot ng lola. hindi bu-en-DEE-a. BWEN- dya daw. "isang senior ha. tsaka isang bopol."

tumingin ang lalaking tinawag na bopol sa matandang babae. tumingin din siya sa ngumising konduktor. kulang ng tatlong ngipin ang harapan ng konduktor.


1. romantic/ soap operatic

"bakit, lola, sapagkat ako ba'y isa lamang ampon?" tinitigan ng batang bopol ang kanyang lola.

naiyak ang lola. tumunog ang makabagbag-damdaming background music.

"patawad, apo, patawad! isa kang biyaya ng diyos!"

at nagyakapan sila.


2. modernist- ironic

pinagtawanan ng mga pasahero ng bus ang batang tinawag na bopol. pati driver ng bus tumawa. humagalpak. gumulong siya sa sahig ng bus. hindi nakita ng mga tao ang paparating na trak ng petron na nawalan ng preno at humahagibis sa kanila. sumalpok ang tangke ng gasolina sa kanila.

ang batang bopol ang siyang tanging nakaligtas dahil siya lamang ang nakakita ng trak at saka bumaba. akala ng iba bumaba siya kasi nainis siya sa mga tawa.


3. modernist-existential

"bakit lola, ano nga ba ang katalinuhan?" sabi ng batang bopol.


4. marxist- cultural revolution

tumayo ang katabing aktibista ng batang bopol. binunot ang kanyang kalibre .45 at binaril ang lola. patay. binaril din niya ang konduktor. patay. binaril din niya ang drayber ng bus ngunit ito ay nakatakas. makalipas ang tatlong araw nahuli ito at pinadala sa mindanao para magtanim doon bilang bahagi ng kanyang "reeducation."


5. marxist- leninist

nagalit ang konduktor sa lola at binigyan siya ng tatlong oras na umaatikabong lektyur tungkol sa sakripisyo ng uring manggawa para lamang sa kapakanan ng mga katulad nilang kapitalistang ganid. tapos naglabas siya ng donation box.


6. religious fundamentalist

tumayo sa gitna ang isang lalaki at nagsermon hawak ang isang banal na libro tungkol sa kabaitan at pagbibigay ng tamang halimbawa sa mga nakababata. tapos naglabas din siya ng donation box.


7. magic realist

lumuha ang batang lalaking tinawag na bopol. isang baldeng luha. tatlong baldeng luha. hanggang bumaha sa bus at bumaha sa kalye at bumaha sa pilipinas. nilunod ng kanyang lungkot ang buong mundo.


8. absurdist

naging unggoy na laruang jack-in -the box ang lola na may hawak na cymbals. ang batang bopol naman ay naging isang higanteng gagambang masakit ang tiyan.


9. reality tv

nag super extreme close up sa mukha ng batang bopol hanggang sa pwede na nating bilangin kung ilang beses kumibot ang kanyang pilik-mata. dahil sa hiya sa camera, napilitan ang batang bopol na magmukhang matalino kahit hindi naman bagay.


10. postmodern anarchist

tang ina e ano ngayon?


11. post modern cultural theorist

iyon ang sinabi ni lola dahil gumagana na kasi kay lola ang mga kumbensiyon ng pagiging lola at iniisip niyang dapat na ring kumilos na parang tunay na binata ang kasama niyang binata. dahil dito nalulusaw ang indibidwalidad ng isang tao na nirerepresenta ng binatang katabi niya. nakuha ito ng lola sa kanyang panonood ng tv at patuloy na pag konsumo ng mga palabas sa tv at mga babasahin na nagpapanggap na nagsusuri ng katotohanan ngunit lumalabas na nagsusulong lamang ng sarili nitong pulitikal na agenda.


12. pervert/depraved

dahil sa galit, tahimik na nagsalsal ang batang lalaki. pagkatapos makaraos, pinatay niya ang kanyang lola sa pamamagitan ng pagsakal sa kanyang lola sa pamamagitan ng nilubid na panyo. ginamit niya ang panyong ibinigay ng lola niya sa kanya kanina.

5 Comments:

At 8:28 PM, Anonymous Anonymous said...

astig ang #10.

naknambaka, kelangan ba talaga ng #12?

 
At 8:40 PM, Anonymous Anonymous said...

kamote, bat di nalagay ang pangalan ko sa comment ko. oh, well...

 
At 7:02 PM, Blogger dyeproks said...

lucy hindi ko papatulan yang comment mo nyahahaha

 
At 8:02 PM, Anonymous Anonymous said...

sows, e pinatulan mo lang e. mwahahah

 
At 2:56 AM, Anonymous Anonymous said...

Tangina. Wahahahahahaha.

 

Post a Comment

<< Home