12.14.2004

o sige na nga sabihin ko na

aalis na ako sa present work ko. guess after 7 years, it's time to venture into new things. i'll be leaving behind friends and mentors who have helped me grow a lot, and given me the opportunities to be confident about what i do. naiiyak nga ako nung kinakusap ko yung executive director. aba, dito rin ako nag high school, at nbung nasa college naman ako, andito ng 4 years din ang utol ko. then after college, this was my first job. bale halos 15 years ding karugtong ko ang skul kong ito. hindi na nga ata ako maimadyin ng mga tao na hindi connected dito.

yung papasukan ko namang bagong work, medyo challenging sa akin. training people ang siste. tapos may byahe all over the country. may training din sa singapore. so medyo nagustuhan ko na kahit na halos pareho lang ang pay. pwede pa akong magfranchise. so i was thinking, since im still just 27, might as well take all chances in the place which will allow me to learn many new things. baka magamit pa sa future, kung sakali mang magtayo ako ng sarili kong school.

yun lang. ngayon ko lang sinulat kasi kung last wk pa malamang emo pa ako. ngayon, well, masaya na rin hehe. pasko naman e. :)

12.12.2004

the customary eheads blog

seems everybody in his twenties has a blog entry, or is in the process of writing, or has vowed to write something, anything about the most famous band of the alternative boom of the nineties, the eraserheads.

i am writing this entry just because some former student of mine was so freaking burned out he posted the song "torpedo" in his blog, but with the sacrilege of mistyping several important words in the ending verse of that song, which, i was spurred to inform him, just happened to be one of our anthems in college. but i have a class in an hour and i still don't have an idea what to tell my smart students about the art of fiction writing blah blah. thus, i am doing this entry with the clock speed of a pentium 4, without any allowance for editing aside from the typos, just so the principal wont have anything bad to say about me when it comes to goodbye time in january (will write about that some other time).

so here. i am surprised to find out that of the four, only ely buendia's and raymund marasigan's names have stuck to my mind, probably due to the fact that ely was only the most famous among the four, and raymund formed sandwich, a side band which became so fucking famous he just had to get it from ely. or ely just had to get it from raymund. and ely ditched eheads and the world was never the same again.

who knows, ill maybe remember the names of the bassist and the leadista later. but really, the leadista surely must be the most pathetic part of the band. his riffs didnt amount to much, in such songs as "huling el bimbo". in torpedo, ely's rhythm would even knock off some lines from the lead guitarist, making him you know, redundant, and reducing him to nothing more than a grand piece of grunge decor on stage. the parokya have a better term for it: kantatero sa likod.

sino nga siya ulit? im beginning to lose hope.

but then the bassist was easily the most technically gifted of the lot, second only perhaps to raymund. i remember "ligaya" and the catchy bass line. or my all-time favorite masturbation of an eraserheads song, "combo on the run." but still, ely the megalomaniac, would occasionally steal lines from him. or compose a song such that the bassist's lines are basically just repetitions of ely's rhythm. imagine "alapaap." pag gumagawa si ely ng riff, laging bida ang rhythm guitar. kaya nga type na type ko ang mga kanta nila kasi pwedeng tugtugin ng isa ang tinutugtog ng tatlo, hehehe. pwedeng pwede mong tugtugin sa inuman at mag tunog album ka rin. get it?

i used to know someone who claims to have been a part of ely's first attempts at forming a band college-time in UP and he totally scoffs at his ability as a musician. but who the fuck cares?

just look at "combo on the run". only true eheads fanatics would know this song. as i said, i am writing this straight from my head. so i am immediately posting an apology on any and all deformities.

COMBO ON THE RUN, ebuendia, "ultraelectromagneticpop"

we took the trip by boat
into the promised land
to sing a different note
man, i don't understand
we wanted their attention
our balls went up so high
they wanted too much poison
and warrant's cherry pie
it's a crying, crying, crying shame
we didn't have no dough
we didn't have no clue
we lived the life of kings
and [] some royals too
we looke like cheesy rock stars
our pictures on the wall
with robin's peckaloids
[ahsglkja]
i wanna go home now
back to my old home town
where i'll be singing the blues
let's stop this running around
i miss the people there im just saying this but baby you can bet your puwet that i'll do it again some time for the money, combo on the run!

sarap ng huling linyang yun. in the words of almost famous, incendiary. indeed, bet your puwet, starstruck!!!!!!

pag ang luha natuyo, muta!

pag tinatanong ako tungkol sa kabuluhan ng tinuturo kong literatura sa mga estudyante kong hindi naman magiging mga manunulat, lagi kong sinasagot sila, pag walang literatura, ang boring siguro ng mundo.

palagay ko, lahat ng gustong maging guro ng literatura ay nakapanood ng dead poets society. andun si robin williams, ang gurong walang pakundangan. pinunit niya ang buong preface ng textbook ng kanyang school tungkol sa literatura, yung bahaging sinulat daw ng isang PhD, tungkol sa kakayahan ng literatura na masukat sa x- at y- axes. galit na galit siya dun. "Tear it off, I say to you, tear it off!" or words to that effect. ang buong klase ay naging isang klase ng pagpupunit at pagbubuslo ng punit na mga pahina sa basurahan.

hindi ko makakalimutan ang kanyang sinabi. parang ganito: kung nais ninyong maging mga abugado, negosyante, nawa'y maging mahuhusay kayong mga ganito. oo nga, lalo na siguro para sa isang bansang kagaya natin. kailangan natin ng mga alagad ng agham at produksiyon at teknolohiya upang umangat ang kabuhayan natin. magkaroon ng industriya siguro. maging mahusay nawa kayo.

ngunit bagaman mahuhusay kayong negosyante at abugado at doktor at inhinyero at siyentipiko, hindi kayo nabubuhay para rito. nasa literatura lamang ang mga bagay na siyang dahilan ng ating ikinabubuhay, hindi lamang ng ating kabuhayan.tulad ng love, ng meaning o kawalan nito, tulad ng pagkaimbyerna. inbyerna sa trabaho, pero sa literatura, sining ito.

ngunit kung tanggap na ngang kailangan ng literatura, ang susunod na tanong ay oo, ngunit literatura sa anong wika?

dahil litfil ako, at kaisa-isang litfil sa ateneo ng batch namin, ang pusta ko siyempre pa ay sa wikang katutubo. para sa akin, may nawawala sa imahinasyon kapag puro great books ang binabasa.

nakakatawang isipin, great books of civilization pero puro Greeks, Romans, at Europeans (and by extension, Americans) ang laman ng kurso nina Fr. Galdon noon. buti medyo nagpapapasok na sila ngayon ng Asians, Afro, at LatAms. pero great books? ewan. bawat lahi siguro ay may sariling naratibo na kailangang matutuhan niya at maisapuso. kung hindi (o kung walang itinuturo) mamaliitin niya ang kanyang sarili. kakawawain lang niya. lagi niyang susukatin ang kanyang produksiyon sa produksiyon ng ibang lahi. at isa itong siklong paulit-ulit at self-defeating. dahil ang panukat niya ay galing sa iba, natural na hindi "aabot" sa pamantayan ang kanyang gawa. kaya lalo siyang maaawa sa kaniyang sarili. paulit-ulit na tungkag na proseso.

pero kung susuriin ang sarili, napakayaman ng imahinasyon ng ating mga likha, at sinasabi ko iyan hindi bilang guro ng isang asignaturang nagpapakaimportante lamang. sinasabi ko iyan bilang isang estudyante rin.

naalala ko lang yung sa alamat ng pinya. mga mata daw yun ng batang ayaw maghanap at sumunod sa magulang. naisip ko lang, pwede rin kayang isipin kung gayon na ang pagbabalat ng pinya ay isang uri ng pagbubulag? ["a harvest of (blue) eyes" -- sa isang kuwento ni octavio paz] nasa pinya kaya si medusa, ang titig na nanunuklaw? mas magaling kaya tayo sa mga Griyego dahil ang representasyon ng "super-mata" sa kanila ay halimaw samantalang ang sa atin ay pagkain, masarap na pagkain?

o yung isang bugtong tungkol sa mata na paborito ko: isang dagat-dagatan, nababakod ng danglay. imagine that! ang mata bilang dagat! pwede kaya akong maglakbay sa ibabaw ng iyong balintataw? o malunod kaya sa iyong mga titig? mamingwit ng mga alaala sa "pungay ng iyong mga mata"? ang iyong muta bilang panis na perlas?

maraming- marami pa. lalo na siguro yung mga galing sa mga katutubong tribo pa. yung aborihinal talaga, sa tunay na kahulugan ng salitang aborihinal: walang simula, walang orihen.

haay! pag nakakarinig ako ng nagsasabing the more you read, the more you feel like there is a lot more that needs to be read, naiisip ko, oo nga. lalo na sa pilipinas, kung saan ang mga dapat basahin ay nakabaon pa sa limot at deadma. kailangan pang alalahanin.

12.07.2004

ang OBng praning

so 'yun, ganun.

nung bago biyakin ang tiyan ni misis, dalawa pa kaming kinakabahan para sa opersyon kasi alam nyo na, kahit ano pa'ng sabihin ng doktor at anesthesiologist, major operation pa rin yun. pag nalinsad nang kaunti ang turok ng anesthesiologist, lantang gulay na si misis. pag nagkamali naman ng tahi si doktor, hindi maitatago ng tato ang alupihan sa kanyang puson. buti kung cosmetic lang ang problema. e paano kung makaiwan ng scalpel o perdible sa loob ng tiyan ni misis? ang galing pa nung isa naming nakausap na kaibigan sa pharmacy. nagkakaso na daw yung ob namin kasi nung isang beses daw e natahi pati puwet nung babae. sa puwerta lumalabas ang dumi. matinding UTI daw ang inabot at siyempre, sakit. wow. ang sayang pampalubag-loob. talaga.

abnormal pa 'tong OB namin. parang laging hilong ewan. parang laging hindi alam na doktor siya.
"Naresetahan na ba kita? ano nga pangalan mo? Kelan nga ba due date mo?"
"Doc, next week na po. sinabi ko na sa inyo last week na next na po ako."
"A ok."

Hayup talaga.

"Doc, nung last kong operasyon, nagkaallergy ako sa ginamit na sinulid."
"A wag kang mag-alala kasi stapler ang ginagamit ko."
Medyo lang naman, hindi kami nakapagsalita agad. "Stapler, doc? A- ano yun?"
"Malalaman mo din."

Hayup. Tama ba namang pagsasalita yan sa medyo praning nang pasyenteng katulad namin? HIndi ba dapat e pakalmahin niya kami by telling us how a fucking stapler was in any way related to my wife's womb?

So ganun. nov 22 dapat ang delivery para kabertdey ko. andun na kami 10 am pa lang at naghihintay. andun na daw si doc pero wala pa yung anesthesiologist kaya hintay muna. nilagyan na ng dextrose si misis. tang ina ang sakit daw maglagay ng nurse, mukhang bagong graduate (later on naconfirm ko nga ng mga bagong graduate ang mga pacute na nurse na yun). bawal na daw kumain si misis. hintay kami, hintay pa. wala kaming kasama sa room. kaya wala lang, tawanan, asaran. pagdating ng 6 ng gabi, cancel na lang daw yung operasyon kasi may meeting na si OB namin. bukas na lang daw. so hindi ko na kabertdey ang baby ko. hayup talaga.

BUTI NA LANG TALAGA MUKHA NGANG MAGALING ANG OB NA YUN!!!

walang impeksiyon ang sugat, kahit na, wow, oo nga, stapler nga ang ginamit. staple wires na pambalat. yun daw ang ginagamit sa cardio cases, pero sabi niya, siya lang daw ang OB na gumagamit ng stapler. lahat daw ng iba sinulid kaya andaming bumubukang tahi.

pero nung huling follow up check up namin sa kanya, nung putulin nya ang mga nakalitaw na staple wires (matutunaw daw yung mga nakalubog sa balat), siningil kmai ng 500. hayup talaga.

12.05.2004

eto pa!

salamat kay nikka para sa tips, gayundin kay macoy (though wala daw tinatanggap ngayon na bagong free account ang photobucket, brad!) :)


eto na!



pagkaguwapong bata. :)

12.01.2004

jose gabriel

hindi pa ako marunong magpost ng pics pero kapag natuto ako, ilalagay ko agad dito. proud daddy ulit ang inyong lingkod. waang kasing sarap ang pakiramdam :)

and so it 's come to this

lahat may katapusan.

paano mo itatapon ang pitong taon?