travelogue number 4: davao
sa lupain ng durian, mabango ang pag-ibig!
lampas isa't kalahating oras din ang lipad ng airbus a300 patungong matina, davao para sa aming nakatakdang evaluatyion ng mga branch offices dito sa davao. kasama ko ang bosing sa team, ang isang model franchisor, at ang GM.
pero siyempre para sa blog na ito, hindi ko isusulat ang tungkol sa negosyo, hehe.
pinakamalaking siyudad daw sa daigdig ang davao kung land area ang sukatan. pero siyempre, kung kaunlaran, wala siguro sa top ten ito. ewan lang sa iba pang sukatan, kagaya ng HDI, quality of life, etc.
basta may ateneo dito ayos na!
nasa tapat lang ng hotel room ko ang ateneo de davao, college department. yung grade school at high school medyo malayo-layo pa daw. may college of law pala dito sa ateneo de davao, at dito nag-aral ang isang kaklase na philo major sa ateneo de manila. teacher na rin siya sa college of law dito.
bakit mahalaga ito?
kasi gusto namin ng misis ko na mag-aral siya ng law sa susunod na taon. at bukas kami sa lahat ng options, lalo na kung halimbawang hindi makapasok sa UP law. kasama na diyan ang relocation sa siyudad na may mura ngunit de-kalidad din namang law school.
although hindi nga naman mura ang ateneo de davao law school. siyet na malagket.
cebu na lang kaya? mura ba sa san carlos? hehehe
just thinking out loud :)
davao is one of the most unique cities in the country in the sense that it is one of the few truly cosmopolitan cities we have, rivaled only probably by baguio in the north. it is the melting pot of several cultures in mindanao and the visayas. the lingua franca itself is a cebuano import. the commerce driven by chinese and muslim merchants. christians, on the other hand, make up much of the business and government.
i didn't get to see much around town in the four days that i was there, but if i ever come back, i'll make sure i get to check out the night scene there. i hear there's this little reggae bar, marley's, that of course, features good reggae beats.
the restos of course must be explored more thoroughly the next time. the most daring we did was go to a turoturo cum ihawan resto that served food that was true to the "mura na, marumi pa!" dictum of truly yummy street food. and yes, the boss ate there too.
some pics
ok, para maniwala kayong galing nga akong singapore, eto na ang ilang mga vanity pics hehe.
matindi to. puro pogi ang nasa photo.
In singapore, i got acquainted with my dream car.
my hotel room had a nice little view of the singapore skyline
i got sprayed on by that darned animal
this is the (mer)lion king!
when finally i had nothing to do i just watched myself in the mirror
in the end i sold myself to the first singaporean matrona who dared to cross my way.
http://tinypic.com/view.html?pic=66wv80
travelogue number 3: singapore
yes, mga kapatid, singapore, the land of singaporeans.
training trip, 4 days, city na hayup sa linis. at hayup din sa boredom.
may reputasyon ang changi bilang isa sa pinakamagagandang airport buong mundo. carpeted ang buong terminal, or at least, lahat ng mga dinaanan namin.
sa pakikipag-usap sa mga singaporeans, nalaman naming tatlo ang dominanteng ethnic groups sa singapore: indians from india, malays from malaysia and indonesia, at chinese from china.
pero dapat may pang-apat na grupo na: mga pinoy ofws! from their pinoy mothers!
nung nasa merlion kami sa tabi ng singapore river, bandang alas otso ng gabi, may mga pinoy na nagkukuwentuhan. malakas din kami mag-usap kaya tingin sila nang tingin. pero dahil feeling sozyal kami at hindi lang promdi pilipins na pers taym nakapunta ng singapore, hindi namin sila pinansin. haay, merlion? how boring can you get??
bumalik kami sa merlion nung bangdang alas onse ng gabi. mas malaking grupo na kami nun kasi last nyt na namin, nagkayayaang maglakad hanggang may kalsada pa.
pagdating namin sa merlion, marami-rami pa ring turista. sa may malayong sulok, may foreigner na caucasian male, at asian girl na nagme make out. siguro 250 pounds si lalaki at 80 pounds naman si babae. parang laruan yung babae sa kandungan ng lalake. alam kong bilib kayo sa aking talento sa paglalarawan ng kalaswaan pero sa pagkakataong ito, kahit ako nalaswaan sa kanila. mantakin nyo yun ha. hindi ko na-take!
sabi nga ng kasama ko, sana pinahiram na muna namin yung card sa hotel room namin. baka kasi walang pambayad ng room. nakagawa pa sana kami ng kawang-gawa.
singapore, oh singapore.
ang hindi ko makakalimutan ay ang pinakain sa aming pepper crab. sabi sa akin, "that's crab steamed and generously sprinkled with pepper". okey, ako naman machong macho ang dating, paminta lang pala e. yakang-yaka yan! pinoy pa?? tatanggi sa spice?? nung lunukin ko ang isang buong laman ng pansipit, aba'y anak ng pating na bading, parang pinalaki ata sa paminta ang alimangong iyon a! naubos ko ang isang kopitang white wine para masunog ang taste buds ko at nang makaligtas sa anghang.
singapore, oh singapore.
ang esplanade na korteng durian. pasosyal pa e. "esplanade" ? sabi nila yun ang pantapat ng singapore sa sydney opera house na nasa sydney harbor, which is supposed to resemble sliced oranges. hah! kung ako ang arkitekto, gagawa ako ng building na korteng higanteng saging. tapos tatawagin ko siyang "the filipino banana."
[haay naalala ko tuloy sina jay ilagan.uy careful, the age is beginning to show!]
travelogue number 2: tuguegarao
may pamilya ng mga kumpare ko dito sa tuguegarao at nang lumabas ako saglit para makipaghuntahan sa kanila, inabot ako ng tanghalian halos bago nakabalik sa hotel. alaskado tuloy ako baka kung saan daw ako sumaglit hehe.
hindi masasabing atrasadong bayan ang tuguegarao, pero hindi rin naman ganun ka-progresibo. marami na ring 3 at 4-star hotel at restawran, patunay na ang consumer spending dito ay hindi katulad nung sa bayombong.
isang tanghalian, inabot kami ng gutom ng kasamahan ko siyempre. nagtanong ako sa kumpare ko kung saan masarap ang pagkain dito. suggestions niya included the usual hotel food, which we both didn't find appetizing (bukod sa mahal yun sigurado!), and the tuguegarao staple, pancit!
so sige, try natin yang pancit. punta kami sa tabi ng simbahan, doon sa isang restawran na may mga kubol-kubol para sa kainan. apat ang sizes ng order, at parami nang parami pa ang sahog ng pancit. chicharon ang basic, tapos may baboy na, at ang pinakaspecial ay may atay ng manok.
tsaka may itlog. nagtaka ako kasi noon lang ako nakatagpo ng pancit na may itlog. tinanong ko tuloy: "prito ba yung itlog?"
natawa ang kaherang cute, sabay tanong ng makabagbag-damdaming "sir, hindi pa ba kayo nakakakain ng pancit?"
aba'y haliparot na malditang pilosopong babaeng to a!
siyempre naka-smile siya nun. kaya ang cute niya talaga. kaya hindi ko siya pinaputukan ng lait. noon ko naisip, matindi talagang asset ang looks. o kaya cheap lang talaga ako.
buti na lang masarap yung pancit! ayos kasi may masarap pang sabaw on the side. at ang pinakamasarap dun, mura lang siya. wala pang singkuwenta pesos, may kasama nang coke!
so sa mga pupunta ng tuguegarao, hanapin ang "BUDYOK'S" sa tabi ng simbahan. mura na, may maldita pang kahera!
ang senior at ang bopol
may isang lola na sumakay sa bus na may kasamang lalaking mga 18 anyos na. naghanap sila ng upuan ngunit napunta pa rin sa dulo ng bus. unang umupo ang lola na parang hirap na hirap bumalanse. pinagpag pa niya ang kanyang damit kahit wala namang dumi. sumunod na umupo ang lalaki. hindi nagbabago ang anyo ng lalaki. hindi rin tumitinag ang kanyang paningin. para siyang tulog. para siyang tulog na naglakad palabas ng kanyang kuwarto at niyaya ng matandang babae para sumakay sa bus.
ngunit dahil para siyang natutulog, naiinis tuloy sa kanya ang matandang babae.
dumating ang konduktor. "saan po kayo?"
"dalawang buendia," sagot ng lola. hindi bu-en-DEE-a. BWEN- dya daw. "isang senior ha. tsaka isang bopol."
tumingin ang lalaking tinawag na bopol sa matandang babae. tumingin din siya sa ngumising konduktor. kulang ng tatlong ngipin ang harapan ng konduktor.
1. romantic/ soap operatic
"bakit, lola, sapagkat ako ba'y isa lamang ampon?" tinitigan ng batang bopol ang kanyang lola.
naiyak ang lola. tumunog ang makabagbag-damdaming background music.
"patawad, apo, patawad! isa kang biyaya ng diyos!"
at nagyakapan sila.
2. modernist- ironic
pinagtawanan ng mga pasahero ng bus ang batang tinawag na bopol. pati driver ng bus tumawa. humagalpak. gumulong siya sa sahig ng bus. hindi nakita ng mga tao ang paparating na trak ng petron na nawalan ng preno at humahagibis sa kanila. sumalpok ang tangke ng gasolina sa kanila.
ang batang bopol ang siyang tanging nakaligtas dahil siya lamang ang nakakita ng trak at saka bumaba. akala ng iba bumaba siya kasi nainis siya sa mga tawa.
3. modernist-existential
"bakit lola, ano nga ba ang katalinuhan?" sabi ng batang bopol.
4. marxist- cultural revolution
tumayo ang katabing aktibista ng batang bopol. binunot ang kanyang kalibre .45 at binaril ang lola. patay. binaril din niya ang konduktor. patay. binaril din niya ang drayber ng bus ngunit ito ay nakatakas. makalipas ang tatlong araw nahuli ito at pinadala sa mindanao para magtanim doon bilang bahagi ng kanyang "reeducation."
5. marxist- leninist
nagalit ang konduktor sa lola at binigyan siya ng tatlong oras na umaatikabong lektyur tungkol sa sakripisyo ng uring manggawa para lamang sa kapakanan ng mga katulad nilang kapitalistang ganid. tapos naglabas siya ng donation box.
6. religious fundamentalist
tumayo sa gitna ang isang lalaki at nagsermon hawak ang isang banal na libro tungkol sa kabaitan at pagbibigay ng tamang halimbawa sa mga nakababata. tapos naglabas din siya ng donation box.
7. magic realist
lumuha ang batang lalaking tinawag na bopol. isang baldeng luha. tatlong baldeng luha. hanggang bumaha sa bus at bumaha sa kalye at bumaha sa pilipinas. nilunod ng kanyang lungkot ang buong mundo.
8. absurdist
naging unggoy na laruang jack-in -the box ang lola na may hawak na cymbals. ang batang bopol naman ay naging isang higanteng gagambang masakit ang tiyan.
9. reality tv
nag super extreme close up sa mukha ng batang bopol hanggang sa pwede na nating bilangin kung ilang beses kumibot ang kanyang pilik-mata. dahil sa hiya sa camera, napilitan ang batang bopol na magmukhang matalino kahit hindi naman bagay.
10. postmodern anarchist
tang ina e ano ngayon?
11. post modern cultural theorist
iyon ang sinabi ni lola dahil gumagana na kasi kay lola ang mga kumbensiyon ng pagiging lola at iniisip niyang dapat na ring kumilos na parang tunay na binata ang kasama niyang binata. dahil dito nalulusaw ang indibidwalidad ng isang tao na nirerepresenta ng binatang katabi niya. nakuha ito ng lola sa kanyang panonood ng tv at patuloy na pag konsumo ng mga palabas sa tv at mga babasahin na nagpapanggap na nagsusuri ng katotohanan ngunit lumalabas na nagsusulong lamang ng sarili nitong pulitikal na agenda.
12. pervert/depraved
dahil sa galit, tahimik na nagsalsal ang batang lalaki. pagkatapos makaraos, pinatay niya ang kanyang lola sa pamamagitan ng pagsakal sa kanyang lola sa pamamagitan ng nilubid na panyo. ginamit niya ang panyong ibinigay ng lola niya sa kanya kanina.