6.18.2005

travelogue number 2: tuguegarao

may pamilya ng mga kumpare ko dito sa tuguegarao at nang lumabas ako saglit para makipaghuntahan sa kanila, inabot ako ng tanghalian halos bago nakabalik sa hotel. alaskado tuloy ako baka kung saan daw ako sumaglit hehe.

hindi masasabing atrasadong bayan ang tuguegarao, pero hindi rin naman ganun ka-progresibo. marami na ring 3 at 4-star hotel at restawran, patunay na ang consumer spending dito ay hindi katulad nung sa bayombong.

isang tanghalian, inabot kami ng gutom ng kasamahan ko siyempre. nagtanong ako sa kumpare ko kung saan masarap ang pagkain dito. suggestions niya included the usual hotel food, which we both didn't find appetizing (bukod sa mahal yun sigurado!), and the tuguegarao staple, pancit!

so sige, try natin yang pancit. punta kami sa tabi ng simbahan, doon sa isang restawran na may mga kubol-kubol para sa kainan. apat ang sizes ng order, at parami nang parami pa ang sahog ng pancit. chicharon ang basic, tapos may baboy na, at ang pinakaspecial ay may atay ng manok.

tsaka may itlog. nagtaka ako kasi noon lang ako nakatagpo ng pancit na may itlog. tinanong ko tuloy: "prito ba yung itlog?"

natawa ang kaherang cute, sabay tanong ng makabagbag-damdaming "sir, hindi pa ba kayo nakakakain ng pancit?"

aba'y haliparot na malditang pilosopong babaeng to a!

siyempre naka-smile siya nun. kaya ang cute niya talaga. kaya hindi ko siya pinaputukan ng lait. noon ko naisip, matindi talagang asset ang looks. o kaya cheap lang talaga ako.

buti na lang masarap yung pancit! ayos kasi may masarap pang sabaw on the side. at ang pinakamasarap dun, mura lang siya. wala pang singkuwenta pesos, may kasama nang coke!

so sa mga pupunta ng tuguegarao, hanapin ang "BUDYOK'S" sa tabi ng simbahan. mura na, may maldita pang kahera!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home