andami nang umaalis
Nitong mga nakaraang araw, tila napakaraming mga kakilala ang nag-iisip, nagdedesisyon, o nagbabalak mangibang-bayan. Nars sa UK, caregiver sa Israel, teacher sa Florida. May ilang mga kuwentong nakakaiyak talaga kagaya nung isang doktor na nag-aral ng narsing para lang makapag abrod.o yung nagtop sa medical board pero hindi na lang magdodoktor sa Pinas kasi nalaman niyang top siya sas board exams nung mismong araw na palipad na siya papuntang Tate para maging nars.
may nakausap pa ako minsang isa nang ganap na abugado mag na nars din. o isa nang engineer mag na nars din. andami talaga nila.
bakit daw hindi ako magturo sa Tate? kaya ko na man daw siguro.
ang sagot ko, kung mababa ang tingin natin sa mga titser natin sa Pinas, mas mababa ang tingin ng mga Kano sa kanilang mga guro. Kaya nga walang gustong maging teacher dun e.
pero hindi ito post ng bulag na nasyonalismo.
hindi sukatan ng nasyonalismo ang pagbabandera sa kalungkutan tuwing may maririnig na ganitong istorya.
sa halip, sa llikod ng aking utak, minsan naiisip ko, hindi kaya talagang kasama na sa kultura natin yung pag asam na makaalis sa sariling bayan para makahanap ng tagumpay sa labas?
marami kasi tayong mga katutubong epiko na may ganyang kilos ang bayani: lalaban sa labas para makabalik ng matagumpay.
binuhay kami ng tatay ko sa pamamagitan ng halos dalawampung taong pagsisikap sa Saudi. tumino lang ang buhay namin nung makaalis siyia. dmaing laruan, gamit sa bahay, bahay at lupa.
may panahon pa nga noong high skul na sinasabihan kami ng ilang mga guro na hindi magandang sitwasyon ang ganoong buhay. may pera nga pero hiwa-hiwalay naman.
sa loob-loob ko, e kung doon kami nagtagumpay e! e kung doon kahit papaano nawala sa paghihikahos, at matapos ang ilang taon, nakaya naman e. andito na ang tatay ko ngayon at retirado, bagaman maaaring totoong kinulang din sila sa pag-iipon ng para sa kanilang dalawang mag-asawa.
sa anui't anuman, sa loob-loob ko, hidi na rin totoo ang romantisadong OFW; umiiyak pag-alis, masayang-masaya pagbalik, kung makapipili lang ay hindi na aalis.
sa loob-loob ko, lahat tayo gustong mag-abrod. at yung unang makakapag-abrod, siya ang pinakamagaling.
1 Comments:
minsan din natutukso akong hanapan ng pagka-isip-talangka yung mga nagsasabing masama para sa bayan ang pag-alis ng mga OFW. eh sila rin ang bayan eh, wala ba silang karapatang makinabang sa sarili nila?
Post a Comment
<< Home