2.05.2006

balik prabins

bertdey ni lola kahapon. back to lahar land. tang inang lahar yan 15 years na nga ganito pa rin itsura.

Image hosting by TinyPic

umalis kami before 7am. pagdating namin dun after about 2 and a half hours, sarap ng arroz caldo with native chicken and lots of paminta!

Image hosting by TinyPic

pansinin nyo yung water line ng caldero. ganyan siya kasarap talaga. or ganyan lang kami kasiba.

twas a nice time to revisit old nooks. and some domestic wildlife. like this pair of fowl with chicks. pangtinola! 3 daw sa kanila ang napunta sa inubos na arroz caldo sabi ni lola.

Image hosting by TinyPic

eto naman mga ihaw ihaw lang. hayup sa anghang yung sawsawan.

Image hosting by TinyPic

tapos eto pang siopao siguro.

Image hosting by TinyPic

ito naman ang kahindik-hindik na burong pampanga. best with steamed veggies, kagaya ng ampalaya at talong. not for the faint-gutted.

Image hosting by TinyPic

you put the buro on top of the ampalaya. then throw it to the back of your throat. never, under absolutely no circumstance, shall you let it roll off your tongue like a slab of cadbury's. unless of course you wanna throw up.

ang buro ay panis na kanin at/o hipon. maraming klase ang buro. me pinatikim na sa aking masarap na pampulutan, yung kaning halos kulay berdeng gelatin na. yes, if it sounds a bit gross, that's coz it is! pipilas ka ng letsugas (lettuce) tapos irorolyo mo sa loob ang isang kurot ng burong berde na yun, tsaka mo isho shoot sa lalamunan. masarap siyang isabay sa chivas regal. again, para lang sa matatapang ang sikmura.

but then again, bleu cheese smells like shit, too.

nilagang mani for pulutan ulit.

Image hosting by TinyPic

finally, panghimagas! prizes go to the lucky one who can eat the living thing!

Image hosting by TinyPic

2 Comments:

At 8:56 AM, Blogger macoy said...

wow, yung pasas... may pakpak.

 
At 8:54 PM, Anonymous Anonymous said...

Kakagutom naman ng post na ito. I love that arroz caldo pic. Makes me want to chop the heads off of those chickens.

 

Post a Comment

<< Home