ilang mga hirit: CDO
1. Sa dinami dami ng mga lungsod na napuntahan ko na, pinakamasalimuot na siguro ang trapiko ng cagayan de oro. bloke-bloke na ang mga one-way, sandamakmak pa ang mga motorela (tama ba? parang traysikel nila). masikip talaga at napakatrapik.2. dikit dikit ang mga kainan sa lugar na malapit sa tinuluyan ko. tsaka mga internet shop na 10 o 15 pesos kada oras.
3. ang sarap mang asar ng pulis trapiko kasi hindi namin siya maintindihan.
4. nakakatuwa ang accent ng mga taga CDO, parang Davao din.mas malambing nang kaunti kaysa Cebuano.
5. may Fr. Masterson, SJ, street sa CDO. naalala ko tuloy yung Fr. Masterson drive sa Ateneo de manila. andaming pangalan ng mga kalye dito na galing sa mga Heswita. Para tuloy akong naglalakad sa pinalaking ateneo. Padre Ferriols na lang ang kulang nyahaha. o kaya Padre Adolfo dacanay: alyas penguin.
6. may SM na dito. urbanisasyon o komodisasyon?
1 Comments:
probinsya pa rin para sa akin ang CDO. may mall man sila, "iba" pa rin. at masyadong maalikabok ang mga kalsada.
Post a Comment
<< Home