7.02.2006

dahil world cup ngayon, may time warp!

Kapag may naligaw na executive ng solar sports sa alabang, bubugbugin ko siya hanggang hindi na siya makilala ng nanay niya.

world cup ngayon at wala pa akong napapanood na kahit isang live game sa bahay. puro internet reports ang tanging pag-asa para malaman kung sino ang panalo at kung ano ang iskor at kung sino ang umiskor at kung sinong tarantado na naman ang nakakuha ng red card.

pagkatapos magbasa sa internet, saka naman magpapalabas ang solar sports sa cable ko ng replayed game, mga 2 games delayed na. tipong game 55 na sa live e game 53 pa rin ang ipapalabas muna nila.

opo, opo, alam ko, kasalanan din kasi ng cable provider ko, kasi hindi sila bumili ng slot sa solar. opo, opo, ramdam na ramdam ko ang aking karukhaan (bukod pa ang kawalan ko ng pribelehiyong magbabad sa mga bar na nagpapalabas ng live world cup games sa gabi dahil, hello, may pasok pa ako kinabukasan at baka hambalusin ako ni misis pag uwi).

pag-usapan na rin lang ang karukhaan, ramdam na ramdam ko rin ito sa panonood kay manny pacquiao kahapon. dalawang laban pa bago ang main event e may mga nagtext na sa akin kung ano ang resulta. may mga nakinig sa radyo, may mga nanood sa pay per view, at siyempre, may mga nandun sa araneta. buti pa yung radyo, ok lang kasi pwede kong sabihing iba ang napapanood sa napapakinggan lang. pero yung naririto na nga sa pinas e delayed pa rin ng tatlong umaatikabong oras????

ang akala ko kaya lang delayed ang mga vegas fights ay dahil sa malayo sila. imagine ninyo yung mga taga cubao. kapitbahay lang nila ang araneta, pero ano kaya ang pinapanood nila?

time warp. tapos na sa araneta, meron pa sa tv.

1 Comments:

At 8:00 AM, Blogger corky said...

hehe, ako napapanuod ko nang live. hindi ako soccer fan pero dahil fanatics mga kasambahay ko nakikipanuod na rin ako.

nalungkot ako nung matalo ang brazil nung isang araw. mataas expectations ko sa kanila at ang tindi kasi ng hype kina ronaldihno (na walang ginawa nung last game).

anyway suporta ako sa germany at portugal sa darating na semi finals mamayang gabi.

yoko sa france kasi tinalo nila brazil, hehe.

 

Post a Comment

<< Home