1.15.2005

belated new year post

bertdey ni adine last week. kahapon nagpakain siya sa shakeys katips. daming food! mukhang sa loob ng tatlong araw ay nagkarga ako ng sampung kilo. ewan lang kung saan napunta.

pero malamang, kung ganito nang ganito, pasasaan ba't tataba rin ako.

lagi kong matatandaan ang 2004 bilang taon ng napakaraming pagbabago.

ang gulo. napakagulo talaga.

syempre, naroon ang bagong work, na pinirmahan kon ung bandang disyembre, kahit na effective january pa. sa skul nalaman nila ito noong december 1. nagkaroon sila ng humigit-kumulang sa 40 araw ng paghahanda.

ano nga ba ako sa katapusan noong ng 2003?

simpleng guro, simpleng mag-isip, kahit na paminsan- minsan ay iniistorbo ng mga kahilingan ng mga tao sa academics office para sa mga input ko tungkol sa nilulutong mga pagbabago. deadma lang. pag nariyan ang kailangang gawin, ginagawa naman.

tapos bigla akong ginawang department head. hindi na pwedeng pasimple simple lang. dami ko bigla naunawaan, na pag nasa taas ka, parang walang pahinga. parang dapat one step ahead ka lagi. kahit boss mo dapat one step ahead ka sa kanya. alam mo dapat kung ano susunod nyang gagawin, at kung ano ang susunod mong gagawin.

parang chess. player ako dati ng chess. para maging mahusay, dapat kaya mong ianticipate ang susunod na limang noves mo at limang moves ng kalaban mo. ang mga grandmaster daw kaya ang 35 moves each. so salamat sa chess.

hindi na kasi ako masaya. i mean, matagal na rin naman akong tumitingin-tingin sa labas ng bintana, pinagmamasdan kung ano kaya ang nasa labas. pero nung magkaroon ng kahungkagan sa sistema, saka naging tulak ang dating mungkahi lamang. saka ako talagang naghanap.

2004 din ang taon ng paglaki ng tiyan ko. asar ni macoy, "asan?? balat lang yan!" pero tsong, meron na talaga. pati ikaw meron na. hehe. yung dati kong paspasan sa basketbol, wala na. nitong 2004 ko lang naramdaman ang pananakit ng puson, hindi dahil may pinipigil akong dapat nang ilabas ha, kundi dahil sa katatakbo sa basketbol at kapipihit at kapipilipit para lang maka lay up. para lang makapuntos. walastik. puro jump shot na lang tuloy.

sa wakas din, nag-ahit na ako ng bigote nitong 2004. shocking ba kung sasabihin kong ito ang unang pagkakataon na nag ahit ako? ano ba'ng magagawa ko e sa hindi ako mabuhok.

ano pa ba?

wala akong napublish nitong 2004. kahit isang katawa-tawang tula. kahit pambalot ng tinapa. kahit utot sa bungo. wala.

promises this year: maregular sa bagong work.makalahati ang lahat ng utang, para next year naman ay mawala na ang lahat ng utang. magkaroon ng passport at drivers license. makabalik sa boracay. makatravel abroad. all in twelve months.

i am having this feeling that 05 will be a banner year of a different kind for me. i feel parang consolidation phase ako for this year, that is, master what i already know and what i am already in, and be more conservative in finances, political moves, and with the family. this is not the year for me to take much risk.

well, then, good luck to all of us in the year of the rooster!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home