one day i will write a story about this
makulit na yung pangalawang anak ko, si igo. lalo na ngayong naipanganak na yung bunso niyang kapatid. makulit na nakakatuwa. makulit na nakakapagpakulo ng dugo. makulit na kulit-bata.minsan nasa simbahan kami at nakikinig sa homily. ang kulit na naman niya. sa inis ko, sabi ko sa kanya, wag ka makulit. pag makulit ka bababa si Jesus tapos ikaw ipapalit nya dun sa krus.
tumahimik naman. natakot yata. pero mayamaya bumulong sa akin.
"pangit kaw, dadi."
nagulat ako at napatingin sa kanya. nakatawa siya at humahagikgik. a ganun ha eto'ng iyo! "mas pangit ka!"
"uu ka dadi!"
"puwit ka naman!"
"wiwi ka dadi!"
ayan natahimik na ako. bad example ata ako hehe. hindi ko na lang pinansin.
"tuhod ka dadi!"
huh? hehe. natawa na lang ako nang tahimik. sinakyan ko na lang siya. at least harmless. "ilong ka naman!"
"buhok kaw dadi!" tuwang tuwa siya sa sinasabi niya. hindi naman siya makatawa kasi pinagbawalan na rin ng nanay niya.
"ikaw naman tiyan!"
"ngipin kaw dadi!"
"kilikili ka naman!"
nanahimik saglit. naubusan ata. tapos humirit ulit:
"bintana kaw dadi!"
nyahahahahahaha
"pinto ka, dadi!"
"bubong ka naman!"
"hagdan ka dadi!"
"kisame ka naman!"
tapos kinurot na kami ni misis. ang kukulet daw namin. makes me wonder, ano kayang kinabukasan ang naghihintay para sa ganitong batang may ganitong ama? wag nyo nang saguti n ang tanong! rhetorical yan! nyahahaha!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home